top of page
Search
A. Servinio

CEU, nakadepensa, UA&P sa Hip-Hop, PWU sa Futsal ng MNCAA


Sinimulan ng Centro Escolar University ang depensa ng kanilang korona sa 16th Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) Basketball matapos talunin ang University of Asia and the Pacific, 114-42, noong Linggo sa San Beda College-Alabang.

Hindi nagpahuli ang San Beda-Alabang at ginulat ang Philippine Women’s University sa sumunod na laban, 87-84.

Sinikap ng Scorpions na tapusin ng maaga ang laro at lumamang agad pagkatapos ng unang quarter, 33-7.

Sa huli, anim na Scorpion ang nagtala ng 10 o higit pang puntos sa pangunguna ni Christian Malicana na may 18 at sinundan nina Angelo Escalona na may 17 at Bling Murillo na may 16.

Samantala, wagi rin ang CEU sa Volleyball kontra sa UA&P, 25-10, 25-17 at 25-14. Kinailangan ng San Beda ang apat na sets bago tapusin ang PWU, 21-25, 25-18, 25-17 at 25-19. Pormal na nagbukas ang MNCAA noong Sabado sa UA&P sa Pasig.

Kasama sa palabas ang HipHop Dance Competition kung saan kampeon ang UA&P Squadra Dance Varsity habang pangalawa ang CEU Street Squad at pangatlo ang San Beda-Alabang.

Pagkatapos ng sayawan ay sinimulan ang palaro sa Futsal. Wagi ang PWU sa San Beda-Alabang, 7-2, habang tagumpay ang UA&P sa CEU, 4-1.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page