Bawat riders ay naghahangad ng tagumpay, ngunit manalo man o matalo, bilang isang buong koponan, isang malaking karangalan ang nakamit ng Bicycology Shop-Philippine Army sa katatapos na LBC Ronda Pilipinas.
“We don’t race for ourselves, we race as a team. While we toast individual feats and are proud of lap honors won, it is the collective effort that truly defined the maturity and worth of the Bicycology Shop-Philippine Army,” pahayag ni team manager Eric Buhain, isang bemedalled swimmer sa kanyang henerasyon at tanging atleta na nagsilbing Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games And Amusement Board (GAB).
Nakopo ng Bicycology Shop-Philippine Army ang 3rd place sa team classification, dalawang taon matapos sopresahin ang mga karibal sa impresibong second runner-up finish sa kanilang debut noong 2018. “Third place, that’s not bad at all. This year’s field is tougher than before, I’ve seen some really well-prepared teams and truly talented riders. For Bicycology Shop-Philippine Army to still hold its ground against such tall order is already proof that we’re still on it, and soon get that big victory,” aniya. Pumuwesto si Pfc. Marvin Tapic sa Top 10 sa individual classification, kasunod ang kasangga na si Jester Mendoza sa No.11.
Tumapos si Mark Bordeos, Stage 1 winner, sa No. 14 kasunod sina Pfc. Cris Joven sa No.15 at Dominic Perez sa No.16. Sa 10-stage, 11 days cycling marathon, maagang humirit ang Bicycology Shop-PA nang makopo ng 27-anyos na si Bordeos ang Stage 1 sa Sorsogon tungo sa kanyang pangunguna suot ang ‘red jersey’ sa dalawang pagkakataon.
Kasangga ni Buhain ang mga miyembro at opisyal ng Philippine Army na sina LTC Dexter A. Macasaet, QMS ( GSC) PA - Director SSC, IMCOM (P), MGen. Tyne T. Bañas, AFP - Cmdr, IMCOM (P), PA at Lt. Gen Gilbert I. Gapay AFP-CG, PA. Balik sa pagsasanay ang Bicycology Shop-Philippine Army upang makapaghanda nang husto bago simulan ang kampanya para sa susunod na edisyon ng cycling marathon. “We will be better prepared than before, well trained and more motivated. And our motto remains — we ride, or die trying, as one,” pahayag ni Buhain.