Erlinda Rapadas / Teka Nga
Ano’ng karisma meron ang newscaster na si Raffy Tulfo at siya ngayon ay madalas na puntahan ng mga taong may gustong ireklamo o may mga gustong iparating sa lahat?
Naging “Man of the Hour” si Raffy Tulfo nang sa radio show niyang Wanted sa Radio ay nagpunta/nagreklamo ang dating closed-in security ni Sarah Geronimo na diumano’y sinuntok ni Matteo Guidicelli after ng kontrobersiyal na secret wedding nila ng Pop Princess.
Biglang-sikat si Jerry Tamara, ang bodyguard ni Sarah, nang umapir sa show ni Tulfo.
Samantala, kumalat naman sa YouTube ang video ng dalawang cameramen ng GMA-7 at ng Wowowin respectively na tumulong sa isang Chinese na nakaiwan ng pera sa sasakyan (Grab). Dapat sana ay isu-surrender nila ito sa GMA-7 o kahit sa Wowowin, pero mas pinili ng dalawang cameramen na sa programa ni Tulfo sa TV5 sila magpunta at nanawagan ng tungkol sa naiwang pera sa sinakyan nilang Grab taxi.
Nasaan daw ang loyalty ng dalawang cameramen? Mapapanood ito ngayon sa YouTube!!!