top of page
Search
Mylene Alfonso

Toga, out na — Palasyo


Pabor ang Malacañang kaugnay sa panukala ng Department of Education (DepEd) na gamitin ang “sablay” at palitan na ang toga para sa mga magtatapos sa elementary at high school.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, suportado ng Palasyo ang mga hakbang na makabubuti sa mga estudyante at mga magulang.

“Baka naman mas mura ‘yun? Okay lang ‘yun basta anything na hindi naman masama, makakabuti sa mga bata okay lang lahat ‘yun,” ani Panelo.

Matatandaang, sa panukala ni DepEd Undersecretary Alain Pascua, nais nitong palitan na ang toga na sumisimbolo sa malalim na western roots o kolonyalismo, samantalang, ang sablay ay sumisimbolo sa pagtataguyod sa lokal na kultura ng Pilipinas at national diversity.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page