Aaprubahan na sa linggong ito ang P1-bilyon na dagdag-pondo na hinihingi ng Department of Health (DOH) para labanan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa bagong talagang chairman ng House Committee on Appropriations na si ACT-CIS Cong. Eric Yap, gagamitin ang naturang budget para pambili ng DOH ng mga face mask, medical protective equipment para sa mga health worker sa buong bansa, sanitation, disinfecting equipment, mga gamot at pang-overtime ng mga emergency health worker sakaling lumala ang COVID 19 sa bansa.
Nabatid na last month pa humingi ang DOH ng additional funding para sa COVID-19 ngunit, hindi ito agad naibigay dahil na-focus ang Kongreso sa usapin ng POGO at pagdagsa ng mga Chinese workers sa bansa. “Kasama sa P1 billion additional fund ng DOH ay ang information dissemination para hindi nanghuhula at nagpa-panic ang taumbayan,” dagdag pa ng mambabatas. Si Yap ang pumalit kay Cong.
Isidro Ungab ng Davao bilang chairman ng appropriations committee noong nakaraang linggo matapos umugong ang tangkang kudeta sa Kongreso.