top of page
Search
Socrates Magnus

Nakakita ng nag-away sa kabilang barko, sign na inilalayo ni Lord sa kapahamakan

Salaminin natin ang panaginip ni Ya Ne na ipinadala sa Facebook Messenger. Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng nakasakay kami ng asawa at anak ko sa barko at may nag-aaway pa sa kabilang barko?

Naghihintay, Ya Ne

Sa iyo Ya Ne, Minsan, akala ng tao, siya mismo ang gumagawa ng kanyang kapalaran na para bang nakalimutan na niya na may lumikha sa kanya at ang lumikha sa kanya ay ‘yun din ang lumikha sa kanyang kapalaran.

Minsan, akala ng tao, siya mismo ang pumili sa gusto niyang gawin, pero ang hindi niya alam ay may isang nasusunod sa lahat ng bagay at ito ay ang “makapangyarihan sa lahat.”

Sa ganitong katotohanan, ayon sa iyong panaginip, ginusto ng langit na sa ibang barko ka sumakay dahil kung sa isa pang barko ay maaaring mapahamak ka dahil may nag-aaway doon.

Ang barko sa panaginip ay ang nagdadala sa tao sa dulo ng kanyang mga pangarap, kaya ang unang barko kung saan kayo nakasakay ay nagsasabing makakamit n’yo ang iyong pangarap.

Ang isa pang barko na may nag-aaway kung saan hindi kayo nakasakay ay barko ng kapahamakan. Dahil dito, mas magandang magpasalamat ka kay Lord dahil tulad ng nasabi na, Siya at wala nang iba pa ang lumikha ng iyong kapalaran.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page