top of page
Search
Mylene Alfonso

Motor, ayaw ibigay.. Rider niratrat ng riding-in-tandem, patay


Patay ang rider nang barilin makaraang manlaban nang tangkaing agawin ang kanyang motorsiklo ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Manila.

Dead-on-arrival sa UST Hospital ang biktimang si Jansen Esteban, empleyado ng BPO company sa BGC, Taguig City at residente ng Sampaloc, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-2:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Algeciras cor. Dapitan Sts., Sampaloc.

Sakay ang biktima sa kanyang motor at habang tinatahak ang kahabaan ng Dapitan St., pagsapit sa Algeciras St., nang sapilitang kunin ang kanyang motorsiklo ng mga suspek at nang tumangging ibigay ay pinagbabaril ito.

Nagsitakas ang mga salarin tangay ang motorsiklo ng biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page