Bulgarific
Hello, Bulgarians! Good news muli ang hatid sa atin ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ngayong Marso lalo na sa mga taga-Caloocan, Malabon, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Pasay, Valenzuela, Quezon City at Cavite dahil ang Maynilad ay may palibreng septic tank cleaning services!
Ibinahagi ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez na ang sanitation program na ito ay nakatutulong para mabawasan ang polusyon sa ating bansa.
“Ino-offer natin ang desludging service sa mga area na hindi covered sa sewer network. Sa pag-avail ng serbisyong ito, makaiiwas tayo na marumihan ang environment at mapapanatili ang maganda nating kalusugan. Kaya naman, inaanyayahan natin ang ating mga customer na mag-avail nito.”
Ang mga barangay na maaaring maka-avail nito ay ang barangay 1 hanggang 3, 5 hanggang 7, 9, 13, 15, 16, 18, 33 to 35, 37, 152, 154, 160, 163 hanggang 165, 167, 171, 177, 178, 180 at 185 hanggang 187 sa Caloocan; Bayan-Bayanan, Hulong Duhat, Ibaba, Longos, Muzon, Panghulo at Potrero sa Malabon; Bignay, Lingunan at Punturin sa Valenzuela; Apolonio Samson, Bungad, Kaligayahan, Paltok at San Antonio sa Quezon City at sa Merville, San Jose at San Rafael sa Pasay. Ang mga residenteng ito ay makatitipid ng halos Php5,000!
Maaari ring mag-avail ang mga customers sa South tulad sa Talon Uno, Kuatro at Singko sa Las Piñas; Sucat sa Muntinlupa; San Antonio, San Dionisio, San Isidro at Santo Niño sa Parañaque; Ligas I hanggang III, Mambog I, Molino II at VII, Niog II at III, Queens Row Central, Queens Row East at San Nicolas III sa Bacoor, Cavite at Alapan I-A hanggang I-C sa Imus, Cavite.
Ang mga interesadong kumuha ng serbisyong ito ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 o bisitahin ang kanilang website sa www.mayniladwater. com.ph o sa social media accounts (Twitter: @maynilad Facebook: MayniladWater) para sa iba pang katanungan.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo