top of page
Search
Nitz Miralles

Ipinost sa IG… Carla, nag-ampon para maka-move on sa pagkamatay ng aso


Nitz Miralles / Bida

May mga viewers ng GMA-7 primetime series na Love of My Life na nag-akalang malapit nang magtapos ang teleserye dahil namatay na ang karakter ni Tom Rodriguez na si Stefano. Nanibago ang mga viewers na ilang linggo pa lang umeere ang teleserye, namatay na agad ang isa sa major characters.

May mga nag-comment na sana ay may twist sa istorya para magtagal pa ang airing ng teleserye. May nagsabi namang comeback ni Rhian ang Love of My Life, tapos mag-e-ending agad. Ang iksi raw ng airing ng teleserye at may nakiusap pa na ‘wag muna itong magtapos dahil pinapanood ng buo nilang pamilya, favorite nila ito at ngayon lang uli sila nakapanood ng magandang family drama sa telebisyon.

Sagot ni Carla, “Week 5 pa lang po kami. We are not ending anytime soon po,” na ikinatuwa ng mga viewers.

Puro positive ang comments ng mga viewers sa Love of My Life kahit pinapaiyak sila gabi-gabi, lalo na sa mga eksenang grabe na ang lagay ni Stefano hanggang mamatay.

Waiting na rin sila sa mga susunod na eksena at kino-congratulate rin nila ang mga writers at si Director Don Michael Perez sa magandang teleserye.

Samantala, nag-ampon ng dalawang aspin si Carla mula sa Paws at isa sa mga rason niya ay para makapag-move on sa pagkamatay ng isa niyang aso. Parang tao ang inampon ni Carla dahil may pinirmahan pa siyang papers na naka-post sa Instagram (IG) account niya at may nakasulat na “Your Guide to Adoption in the Philippines.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page