top of page
Search
Sr. Socrates Magnus II

Dapat gawin para suwertehin ang negosyo sa work moon

Ipagpatuloy natin ang pagbibigay ng mahahalagang kaalaman tungkol sa darating na super full moon sa March 10, 2020. Tulad ng nabanggit sa nakaraang isyu, ang super full moon sa March 10, 2020 na tinatawag ding work moon ay senyales na magsisimula na namang gumanda ang kita ng mga negosyo.

Dahil dito, narito ang ilang payo para makatiyak na ang iyong negosyo o pinagkakakitaan ay mapabilang sa mabebendisyunan ng “work moon”.

1. Maglinis ng place of business at kailangang maalis ang mga alikabok, dumi, kalat atbp.. Magandang gawin ang pagpapaligo sa place of business sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tubig na may sabon sa buong paligid hanggang sa mawala ang amoy at maging mabango ang lugar.

2. Kapag tuyo o dry ang place of business, magsaboy ng asin sa paligid.

3. Magsindi ng insenso na hahawakan at maglakad sa buong paligid. Sa gabi, mag-iwan ng nakasinding insenso, ingatan ito kung may baga pa dahil baka mahulog sa bagay na puwedeng magliyab. Gumamit ng metal na bagay o kahit anong hindi nasusunog at sa gitna nito, iwanan ang insenso na may sindi.

4. Inirerekomenda rin na sabayan ito ng panalangin. May tatlong klase ang mga dasal, ang una ay ang mga dasal na itinuro ng Simbahan na puwedeng dasalin.

5. Ang ikalawang klase ng dasal ay ang personal na pagdarasal kung saan binabanggit ang mga kahilingan na galing mismo sa nagdarasal.

6. Ang ikatlong klase ng dasal ay ang magkahalong turo ng Simbahan at personal na panalangin kung saan susundin ang mga prayers ng Simbahan at sisingitan ng personal na kahilingan.

7. Anumang araw sa worm moon, inirerekomenda na maghanda ng mga pagkain kung saan ang mga empleyado, kaibigan, kakilala at suki ay aanyayahan sa munting pagsasalu-salo o puwede ring bongga na mala-fiestang kainan.

Good luck and God bless!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page