Ang lakas talaga ng kilig factor nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes. Nagsisigawan nga sa kilig ang studio audience nang mag-guest sila sa Magandang Buhay kamakailan at pati ang mga hosts ay kinilig din, lalo na si Melai Cantiveros.
At one point ay nadulas nga si Melai na protective boyfriend daw si Seth kay Andrea, pero kaagad niya itong ikinorek at sinabing protective na kaibigang boy.
When asked kung paano pa nagiging protective si Seth sa kanya, sagot ni Andrea, “Ay, grabe! Minsan po, daig pa niya sina Mama.”
She cited an example na minsan daw ay naka-short siya pero pagkapasok na pagkapasok niya sa dressing room ay pinagpalit daw siya ng damit ni Seth.
“Kasi maigsi raw ang short ko. Nagpalit na lang po ako ng jeans,” kuwento ni Andrea.
Kaya raw lagi na lang siyang naka-jeans.
Panunukso nina Melai kay Andrea, hindi niya susundin si Seth kung hindi niya ito love.
Nang matanong naman kung may ibinabawal din si Andrea kay Seth, sagot ng young actor, “Ang ibinabawal niya sa akin, bawal akong mag-motor nang hindi naka-helmet. Tama naman ‘yun na mag-helmet ako.”
Pero pati raw ang pagsusuot ng shades lang ‘pag naka-motor siya ay ipinagbabawal din sa kanya ni Andrea at gusto nga ay naka-helmet siya.
Paliwanag naman ni Blythe (real name ni Andrea), ‘pag naka-shades lang daw si Seth ay baka maraming makakitang tao at makakilala sa aktor kumpara kapag naka-helmet ito.
Hirit ni Seth, “Gusto mo lang, ikaw ang makakakita.”
“Delikado kasi,” paliwanag na naman ni Andrea.
In fairness, ang cute nilang dalawa’t talaga namang bagay na bagay sila.
Tanong ni Melai, “So, boyfriend or friend na boy?”
Sagot ni Seth, “Special friend.”
Natawa kami sa hirit ng isa pang host na si Karla Estrada.
Aniya, “After 5 years, aamin din ‘yan.”
Matatandaan kasing sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay umamin lang nu’ng 5 years na silang magdyowa. And this early nga ay kitang-kita na parang ang SethDrea ang sumusunod sa yapak ng KathNiel dahil ganyang-ganyan sila noong nagsisimula pa lang, lalo na nga si Seth na kung kumilos at umasta ay Daniel na Daniel ang dating. Pati nga kung paano niya kausapin si Andrea, parang nakikita namin si Daniel kay Kath.
Anyway, sa ngayon kasi ay mga bata pa sina Seth at Andrea kaya tama lang na huwag muna silang magmadali at magseryoso sa relasyon. Okay lang ‘yang ganyang they care for each other pero wala munang seryosong relasyon.