top of page
Search
Ronalyn Seminiano

After ng ambush sa van ng aktres… Ogie Diaz, ibinulgar na wala namang kaaway si Kim

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Sunod-sunod ang posts ni Ogie Diaz sa Facebook tungkol sa nangya­ring pag-ambush sa van ng Chinita Princess na si Kim Chiu.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang beteranong TV-radio anchor na si Jay Sonza kama­kailan kung saan sinabi nito na isang malaking ‘drawing’ lang ang nasabing insidente na inalmahan din ng aktres na si Sunshine Cruz. Sinabi ni Sunshine na ang sama ni Jay sa pag-iisip na planado ang nangyaring ambush.

Pahaging naman ni Ogie sa FB, “Kung mataas pa ang kredibi­lidad nitong male TV host, baka ‘til now, may TV show pa siya. Na­paka-pathetic, nagpapaka-relevant.

“Sa nagsasabing gawa-gawa lang ang ambush kay Kim Chiu, don’t worry, susuweldo pa rin kayo sa a-kinse kahit ‘di kayo gumawa ng fake news.”

Nag-post din si Ogie ng screen­shot ng balitang inilabas ng Pep.ph kung saan mababasa ang: “Jay Sonza calls Kim Chiu ambush incident ‘Isang malaking DRAWING.’”

Caption ni Ogie, “Para kay Jay Sonza. Bilang isa siyang ‘genius’.”

Sumunod na post ni Ogie, “Hayaan na natin si Jay Sonza. Ang importante, hindi mo siya tatay.”

Naglabas din ng vlog si Ogie sa YouTube kung saan si Kim pa rin ang topic.

Aniya sa isang direktor na kausap niya, “Feeling ko ‘yung nangyari kay Kim Chiu, mistaken identity. Kasi kilala ko si Kim Chiu, wala namang kaaway ‘yan!”

Dito na naungkat ang mga ki­na­sang­kutang issues ng Chinita Princess.

Kuwento ni Ogie, “Kahit nga ‘yung… minsan may ex siya, oh, ‘di ba? ‘Di naman din niya inaway kahit parang merong hindi kagan­da­hang nangyari sa kanila ng ex niya. Pero ‘di natin nariringgan si ano ng kanyang hinaing.

“Tapos, nakipag-away, nag-away, nagkaroon sila ng konting alitan ni Maja Salvador, hindi rin naman siya nag-react.”

Nagpahayag din si Ogie ng kagalakan dahil hindi nasaktan ang magandang aktres na si Kim sa nangyaring ambush.

Anyway, ano kaya ang masasabi ni Jay Sonza hinggil dito? Hmmm!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page