Lalim na rin ng karanasan ang napatunayan ng Sta. Lucia na mas mabisang pansalag kontra Marinerang Pilipinas sa endgame, upang pagwagian ang laban sa 25-19, 21-25, 30-28 at 25-20 sa 2020 PSL Grand Prix, kagabi sa FilOil Flying V Centre.
Binalikat ni Royse Tubino ang pasanin sa laro para sa 2-0 ng Lady Realtors, nagpasabog ng 24 puntos.
“I’m so excited, our team fought really hard. A lot of our players stepped up. Royse stepped up and I’m so glad she’s on our team,” ayon kay Sta. Lucia skipper Shainah Joseph.
Para sa Realtors, si Joseph ay may 19 na marka habang si MJ Phillips ay may idinagdag na 13.
Kinakailangan ng Sta. Lucia ang lahat ng puntos ng tatlo upang matapatan si Hana Cutura.
Si Cutura ay nakagawa ng 35 puntos para sa Cherry Tiggo ng nakaraang apat na araw, nakaposte ng 29 puntos para sa Lady Skippers. “Iniisip ko na lang kanina na kailangan naming tapusin ang sinimulan namin,” ayon kay Tubino. “Kailangan namin ‘yung buong team na gumawa para manalo.” Lagpak ang Marinera sa 0-2.
Sa ikalawang laban, nagwagi ang Petron Blaze Spikers kontra Cherry Tiggo sa bisa ng 3 sets. Samantala, winalis ng Blue Eagles ang Green Spikers, 25-20, 25-19, 27-25 upang makatuntong ng win column sa UAAP Men’s volleyball.
Nagtala ng 18 attacks at 2 blocks si Chumason Njigha habang nagtala ng 13 at 12 puntos sina Michael Aguilar at Ron Medalla ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang Ateneo sa pagbawi mula sa naunang kabiguan sa kamay ng UP sa una nilang laro.
Nag-iisa namang tumapos na may double digit sa debut game ng La Salle si John Ronquillo na may 11 puntos. Sa naunang women’s match, tinalo ng University of the Philippines ang University of the East, 25-23, 25-20, 18-25, 25-17 sa pamumuno nina Tits Carlos at Isa Molde.