top of page
Search
Shane Ludovice

Pag-inom ng vitamins, pampalakas lang, hindi pampataba


Dear Doc. Shane, Palagi akong nabu-bully dahil sa kapayatan. Matangkad ako kaya lalo akong naging payatot tingnan. Kapag ba uminom ako ng vitamins ay tataba na ako? At anong bitamina ang magandang inumin? - Mel

Sagot May mga bitamina na kapag ininom ay nakagagana ng pagkain tulad ng Appetens. Ngunit, mayroon din na ang epekto naman ay nakakaantok.

Kapag ang body metabolism ng tao ay mabilis, kahit gaano pa ito kalakas kumain ay mahihirapan talaga itong tumaba. Mayroon din namang kaunti lang kumain pero lumalaki o nagiging mataba sila dahil medyo mabagal ang kanilang body metabolism.

Marami namang multivitamins na mabibili ngayon subalit, ang pag-inom ng vitamins ay nagbibigay ng dagdag-resistensiya sa ating katawan laban sa stress at mine-maintain lamang nito ang normal na function ng ating katawan. Hindi porke uminom tayo ng bitamina ay tataba na tayo.

Walang masama kung medyo payat ka basta hindi sakitin dahil hindi porke payat ang katawan ay hindi na ito malusog. Marami ngayon na matataba subalit, sakitin kaya wala sa sukat ng katawan ang ikinalulusog ng tao. Maaari ka namang mag-enroll sa gym na may body building para lumaki ang iyong katawan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page