top of page
Search
Ronalyn Seminiano

P-Digong, alam mo na! Vice, renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ang hinihinging birthday gift


Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Kalalokah si Vice Ganda ru’n sa segment na Mini Ms. U ng It’s Showtime nu’ng March 4 kung saan nag-guest si Arci Muñoz.

Karamihan sa mga bata ay super-mahiyain at tahimik lang katulad ng isang batang contestant sa Mini Ms. U. Ilang beses nang inokray ni Vice ang bata pero wa’ epek pa rin hanggang sa nabanggit ng gay host na “Sagot ka, anak, sa ‘yo nakasalalay ang franchise.”

Alam naman ng lahat na alanganin ang lagay ngayon ng ABS-CBN Network. Nang sumalang naman ang second contestant, dahil birthday ng bagets, tinanong ni Vice kung ano ang gustong handa nito na sinagot ng bata na spaghetti raw.

Sey ni Vice, “Spaghetti, naku, marami akong noodles niyan, ‘yung Fiesta Spaghetti. Napakasarap niyang Fiesta Spaghetti. Gusto mo ba ng Fiesta Spaghetti? Mag-yes ka naman for my renewal!”

At dinugtungan naman ni Arci ng “Sa kanya nakasalalay ang renewal! ‘Yung kanina, franchise, ito, renewal.”

Sa sumunod namang contestant, dahil malapit na ang kaarawan ni Vice, tinanong siya ni Arci kung ano ang birthday wish niya.

Sey ni Vice, “Hindi na para sa akin, para sa lahat. Franchise lang, happy na ako. For the 11,000 families, oo, ‘di ba, franchise lang, happy na ako. And for the rest of the Filipinos around the world.”

Well, let’s see kung ano ang magiging desisyon ng kinauukulan sa prangkisa ng ABS-CBN.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page