top of page

Naku, mga momshies, dapat alam na alam n‘yo ‘to... Mga pagbabago kay baby ‘pag 4 months old na

  • Twincle Esquierdo
  • Mar 8, 2020
  • 2 min read

Para sa mga bagong magulang, siguradong mangangapa kayo sa pag-aalaga sa inyong newborn baby. Sa simula, nariyan ang sleepless nights dahil hindi n’yo pa alam ang sleeping routine ni baby at ‘pag naabot na niya ang apat na buwan ay marami nang pagbabago sa kanyang katawan at kilos kaya dapat naka-ready na ang inyong kamera para ma-capture ang mga “first ni baby”. Narito ang mga pagbabago na dapat n’yong asahan sa inyong baby: 1. PAGBABAGO NG KANYANG KATAWAN. Nagsisimula nang magbago ang kanyang katawan kaya mapapansin n’yo na nagsisimula nang bumilog ang kanyang mga pisngi. Paikut-ikot siya sa higaan para makatihaya o makadapa. Abangan din na lahat ng mahahawakan niya ay kanyang isusubo dahil para sa kanya, lahat ng bagay ay pagkain. At pagdating naman sa pagtulog niya, umaabot na ito nang mahigit walong oras kung isasama ang mga pagtulog nito sa maghapon.

2. COGNITIVE DEVELOPMENT. Mas expressive siya at naipadarama na niya kung siya ay masaya o malungkot. Nakangingiti na rin siya bilang pagtugon sa mga taong yumayakap o humahalik sa kanyang pisngi at nag-i-improve na rin ang kanyang hand and eye coordination. Kapag may nakita siya, susundan niya ito ng tingin, lalo na ang makukulay na bagay at nakikilala na niya ang mga tao sa kanyang paligid.

3. SOCIAL AT EMOTIONAL DEVELOPMENT. Sa aspetong ito, marami pa ang mangyayari dahil sa ganitong estado, kaya na niyang ipahiwatig ang kanyang nararamdaman. Nakatutugon na rin siya sa mga sinasabi sa kanya. Tandaan, ang lahat ay bago para kay baby kaya naman, kung ano ang nakikita3. social at emotional development. niya tulad ng expression ng iyong mukha ay kanyang gagayahin.

4. LANGUAGE DEVELOPMENT. Tandaan, na lahat ng nakikita at naririnig ni baby ay puwede niyang tularan, kaya maging maingat sa mga kilos at salita dahil hindi mo namamalayan na ginagaya na ni baby ang mga ito. Mainam ding pansinin ang mga ginagaya niyang salita na kanyang naririnig kahit hindi pa ito buo at para mas ma-develop ang language skills niya. Dalasan din siyang kausapin at gumamit ng mga angkop na salita. Iwasan ang mga ‘baby talk’ na lengguwahe.

Ito ang mga dapat n’yong asahan kapag apat na buwan na si baby. Maganda na palaging i-monitor ang kanyang paglaki. Gayundin, punuin ng pagmamahal ang lahat ng ibibigay na kanyang pangangailangan at habang pinapalaki, turuan siya ng magagandang asal. Okie?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page