top of page
Search
Nitz Miralles

Nakahubad, binalot ni Bimby ng towel… Kris, naaksidente sa Boracay


Nitz Miralles / Bida

Naaksidente na naman pala si Kris Aquino habang nagbabakasyon sa Boracay. Sa kuwento nito, katatapos lang niyang mag-shower at nang humakbang ay nadulas siya. Ang description nga nito, “My left leg flew under me & I landed hard on my right side.”

Mabuti raw at narinig agad ni Bimby ang pagsigaw niya, binalot siya ng towel ng kanyang anak at sinabihang ‘wag kikilos at baka may na-dislocate siyang buto.

Ang problema kay Kris, hindi basta-basta makakainom ng pain reliever. Mild pain reliever lang ang nainom niya. Pati raw sa pagsusuot ng joggers sa breakfast nila ni Josh, tinulungan pa siya ng anak.

Naghahanap ng physical therapist si Kris at mukhang susunod na siya sa mga payo sa kanya na kailangang may kasama palagi pati sa banyo.

Twice nang nadulas sa banyo si Kris dahil sa autoimmune disease niya kaya mas hirap siya sa pagbalanse.

Marami ang nagdarasal na mabilis gumaling si Kris at umaasa silang walang masyadong naapektuhan sa kanyang mga buto.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page