top of page
Search
Gina Pleñago

Mga kaopisina, nakasalamuha pa.. BPO employee, may COVID-19


Isang empleyado ng Deloitte Philippines na matatagpuan sa Net Lima Plaza sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa report ng Office of the Mayor, nitong Marso 4, ang empleyado ng BPO ay kumuha ng medical consultation at inilagay sa surveillance ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) at na-admit sa RITM sa sumunod na araw at ngayon ay tumatanggap ng gamutan at nasa stable naman ang kondisyon.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang CEDSU sa pangunguna ni Dr. Luis Sy, Jr. ay nagsasagawa ng preventive measures at nagpatupad ng kaukulang protocols.

Simula noong Enero 2020, ipinabatid na ng lokal na pamahalaan sa BGC community at lahat ng barangay sa Taguig gayundin ang reporting at monitoring procedure ng availability ng dalawang dedicated ambulance teams, isang vigilant service hotline at istriktong implementasyon ng Executive Order upang gabayan ang publiko tungkol sa guidelines sa pagsasagawa ng mass gathering o pagtitipon ng mga tao sa lungsod.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page