Nakapagsalpak si Joseph Sedurifa ng tatlong straight triples upang iangat ang Makati Super Crunch kontra Manila Stars, 78-73, sa overtime sa North division finals ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa harap ng exciting fans sa San Andres Sports Complex noong Biyernes ng gabi. Lumamang sa bisa ng tres ang Super Crunch, 78-73, sa nalalabing 1:17, upang mawala ang kinang ng Stars, na unang nagwagi sa series opener (77-74) pero nasundan ng pagkatalo sa Game 2 (75-59) sa decider game kamakalawa.
Si Sedurifa, na para kay Makati coach Beaujing Acot ang nag-take charge guy sa team. Ayon kay Acot, “Sedurifa can see the court as wide as the coaches and he was right.” Hindi kinabahan si Sedurifa sa clutch time, walang inaksayang oras para sa jumpers na naging masaklap para sa Stars, na umalagwa agad ng 17-7 sa first quarter, pero nalampasan ng Super Crunch, 36-30, sa bisa ng tikas nina Jong Baloria, Cedrick Ablaza at Rudy Lingganay.
Naitakda ng Super Crunch ang best-of-three title duel kontra San Juan Knights simula ng 6:30 p.m. sa Lunes sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. “Savior, it’s the right word for Sedurifa. He’s our savior in Makati, in Bulacan, siya talaga,” ani Acot.
Umiskor si Baloria ng 16 para sa Makati, kasunod ni Sedurifa na may 12, nine sa extra time, at may 22 si Josh Torralba.May 16 puntos ang Manila, 8 rebounds at six assists mula kay Chris Bitoon; 15 points plus 10 boards na gawa ni Mike Dyke at 15 points plus nine boards ni Aris Dionisio.
Lumabas ng court si Manila’s top gunner Carlo Lastimosa matapos ang 1 minuto at 8 seconds dahil sa foot injury.
Nagbagsak si Bitoon ng 7 points para sa 12-3 upang tuluyang umangat ang Stars sa 56-52, kasunod ng mga iskor ni Vincent Importante at tapusin ang 3rd quarter na lamang ang Makati.