May handog na libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga kababaihan at transgender women ngayong Marso.
Ito ay kasunod ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Ayon sa PCG, ilulunsad ang “ARANGKADA: Libreng Sakay Para kay Juana” bukas, araw ng Lunes, March 9.
Sa pamamagitan ng Coast Guard Gender and Development Office, magkakaroon ng libreng sakay papunta at mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Mall of Asia (MOA), Anda Circle at Port Area tuwing Lunes at Biyernes ngayong Marso.
Magsisimula ang libreng sakay bukas, Lunes mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng umaga sa PITX bilang point of origin sa pang-umagang iskedyul.
Alas-5:30 ng hapon hanggang alas-6:30 ng hapon naman ang libreng sakay mula Port Area at Anda Circle bilang point of origin sa panghapong iskedyul.
Sinabi ng PCG na walang kailangang iprisintang ID para makapag-avail ng libreng sakay. Dagdag ng ahensiya, sakaling may bakanteng upuan, maaari ring makapag-avail ang mga lalaki ng libreng sakay.