Iginiit ni Games and Amusement Board Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na maganda ang layunin ng Senate Bill No. 193 at Senate Bill No. 805, para sa pagpapatatag ng Philippine Boxing Commission, ngunit, ang gawain at responsibilidad na nakaatang dito ay siya nang ginagawa ng GAB sa mahabang panahon.
Aniya, sa kabila ng maliit na budget, naisakatuparan ng GAB ang mga reporma sa ahensiya tulad ng libreng medical at dental examination hindi lamang sa mga boxers at combat sports athletes, bagkus sa lahat ng atletang professional.
“While we laud the initiative, feeling namin nagagawa na namin ang mga gustong gawin at ang mga gusto pang ipagawa sa amin, maaari naman naming gawin basta maalalayan lang po kami nang konti,” pahayag ni Mitra.
Kinatigan ang bill ng Association of Philippine Professional Boxing Ring Officials, gayundin ng samahan ng mga boxing matchmakers at promoters.
Una nang sinuportahan ni Sen. Bong Go ang mga atletang Pinoy. Suportado niya ang mga hakbang at programa para sa kapakanan ng mga professional boxers at combat sports, higit ang atletang Pinoy.
“I express my full support for the objectives of Senate Bill No. 193 and Senate Bill No. 805... These bills not only aim to strengthen and develop the quality of professional boxing and combat sports in the country but also ensure the protection and welfare of its athletes,” pahayag ni Go nitong Miyerkules sa pagdinig sa panukalang batas na magpapatatag sa Philippine Boxing Commission.
“The achievement of the objectives under the proposed Senate Bills can be a step in the right direction. This will not only provide a big boost to Philippine boxing and other combat sports; it will also secure the country’s rightful place as a serious contender in the sporting world,” pahayag ni Go.
“Napakahirap talaga. Muntik na akong madisgrasya bago ko narating ito ngayon. Maraming mga kailangang gawin at hakbang para sa ating mga atleta, especially ‘yung mga SSS, Phil Health, medical requirements before the fight or regularly,” ayon kay Senador Manny Pacquiao.