Pabor ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatupad ang ilang kumpanya ng ‘work from home’.
Ito ay para maiwasan ang mga empleyado na mahawahan ng COVID-19.
Ayon kay DOLE Bureau of Working Conditions Director Teresita Cucueco, ang nasabing hakbang ay maaaring ipatupad basta hindi maapektuhan ang trabaho sa kumpanya.
Kahit na ang nasabing hakbang ay hindi magpapatigil sa nasabing pagkalat ng virus ay makatutulong naman ito sa pagbawas ng posibleng pagkalat nito.
Kailangan lamang ng kasunduan sa pagitan ng employer at mga empleyado.