top of page
Search
Vinia Vivar

Kiyemerut lang ang video, kumalat… Barbie, sinigawan at pinalabas lahat ng staff at co-stars sa dres

‘Kaaliw ‘yung balitang tinarayan ni Barbie Forteza ang mga staff and crew ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. May video pang makikitang sinisigawan ng aktres ang lahat sa dressing room at pinalalabas.

Nagmamadali namang umalis ang mga staff at co-stars niya including Cai Cortez and Kate Valdez.

‘Yun pala ay kiyemerut lang ang video dahil for TikTok pala ito, ang bagong kinahuhumalingang social networking service used to create short lip-sync, comedy and talent videos.

Ito pala ang libangan ngayon ng cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ayon kay Barbie, si Cai raw ang unang nag-introduce sa kanya ng TikTok. Kaya naman sa taping, ang TikTok ang pampalipas-oras nila at lahat daw ng staff ay nakiki-cooperate.

“Masaya rin siyang gawin,” sey pa ni Barbie.

Sa iba pang TikTok videos na ginawa nila ay makikita ring nagsasayaw sina Kate, Cai, Benedict Cua at Direk Mark dela Cruz.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page