top of page
Search
Thea Janica Teh

P72 milyong Megalotto winner, mula sa Antipolo

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Isang masuwerteng tumatangkilik ng Megalotto 6/45 ng PCSO ang nakapag-uwi ng jackpot prize na nagkakahalagang Php 72,372,679.40 na binola noong Lunes, ika-2 ng Marso 2020.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Gaming Sector, ang ticket na may kombinasyon na 08, 13, 36, 22, 04 at 03 ay nabili sa isang lotto outlet na matatagpuan sa Antipolo City, Rizal.

Samantala, 36 na masuwerteng manlalaro naman ang nakakuha ng limang tamang numero at makapag-uuwi ng tig-Php29,210. Mag-uuwi naman ng tig-Php490 ang 1,696 na manlalaro na nakakuha ng apat na tamang numero at ang 28,016 naman na manlalaro na may tatlong tamang numero ang mag-uuwi ng tig-Php24.00 o balik-taya. Ang 6/45 Megalotto ay nilalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-9 ng gabi at napapanood nang live sa PTV 4.

Malugod na nagpapasalamat ang mga opisyal at kawani ng PCSO sa mga masusugid na tagatangkilik ng lahat ng produkto ng PCSO tulad ng Lotto, KENO, Sweepstakes, STL at Scratch-It. Ang inyong walang sawang suporta sa aming mga produkto ang nagbibigay-daan sa patuloy na tulong-pangkalusugan at pagbibigay ng kawanggawang serbisyo sa ating mga kababayan sa buong bansa.

Sa bawat ticket na inyong binili, mas malaki ang pagkakataong maging milyonaryo at nakasisigurado pang makatutulong sa mga nangangailangan.

Para sa mga winning combination at schedule ng iba pang PCSO gaming products ay maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PCSO sa

www.pcso.gov.ph at FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at youtube account PCSO GOV.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page