Erlinda Rapadas / Teka Nga

Kaya naman pala laging may hugot ang mga kanta ni Moira dela Torre ay may pinagdaraanan siyang phase sa kanyang buhay na masasabing isang mental state.
Hindi kakulangan sa pag-iisip kundi related din sa kanyang emotional stability.
Nabanggit ni Moira ang kanyang mental health issue nang mag-guest siya sa
Magandang Buhay. Madalas daw kasi ay hindi nag-o-open up si Moira sa kanyang pamilya kapag may dinadala siyang problema.
Ayaw niyang humingi ng tulong o pagdamay mula sa kanyang pamilya. Sino-solo lang niya ang kanyang problema at nararamdaman.
But it’s good, ngayon ay nababago na niya ang lahat kaya hindi na siya nakakaranas ng depression.