Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Sumampa na ang Davao Occidental sa finals maging ang Bacoor ay nagawang makaresbak sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Davao Season noong Huwebes ng gabi sa Strike Gymnasium sa Bacoor City. Ipinalasap ng Tigers ang kanilang husay kontra Zamboanga at nanagasa sila sa iskor na 62-58 upang mawalis ang South division semifinals, 2-0.
Bentahe ang pagkakaroon ng hometown fans, inunahan ng Strikers ang mainit na pagpukpok sa laro kontra Basilan Steel, 80-69 na ipinatas ang semifinal series sa 1-1 at nakapuwersa ng decider game ngayong Sabado sa parehong venue. Bagama’t wala sa laro si MPBL Datu Cup MVP Gab Banal dahil na rin sa sprained medial collateral ligament, umalagwa ang Strikers sa 37-10 bago sila nanamlay sa 69-76.
Si Sans Banal, na nagtamo ng injury nang makabanggaan si Basilan star Allyn Bulanadi sa Game1 ay nagwagi ang Steel (77-63) kung saan sina dating pro Michael Mabulac, homegrown talents Ian Melencio at Mark Montuano at Mark Pangilinan ay nakapagdeliber ng magandang laro sa tuwa ni coach Chris Gavina.
Umiskor si Mabulac ng 14 puntos at sumunggab ng 19 rebounds nang mamuno ang Strikers sa boards, 53-39. May nagawa si Melencio, ang icon ng Cavite leagues bago naglaro sa MPBL ng 17 puntos at 4 assists, may bakas si Montuano na 15 puntos dagdag ang 7 boards at 10 may puntos si Pangilinan.
Nakagawa ang Basilan ni coach Jerson Cabiltes ng 16 puntos mula kay Bulanadi, ang Gilas pool member, 15 puntos mula sa limang tres ni dating pro Jonathan Uyloan at 11 na gawa ni Chris Dumapig.
Namuno si Kenneth Mocon para sa Davao sa bisa ng 14 points na mula sa apat na tres puntos habang naasahan si Anton Asistio sa huling quarter.
Sinuportahan ni Chester Saldua si Mocon sa bisa ng 8 puntos, 7 rebounds, at 3 assists habang si James Forrester ay pumoste ng 8 puntos, 3 assists at 2 steals para kay coach Don Dulay.
Sa paghahabol sa 12 minuto at 31 segundo, nakabasket si Mark Yee ng 4 puntos, 5 rebounds, 3 assist at steals para sa Davao, at haharapin ang panalo sa Bacoor-Basilan tussle para sa South Finals simula sa Lunes (Marso 9). Tumirada si Zamboanga native Robin Roño ng 15 points, may 12 puntos si Leonard Santillan at 8 boards habang si Asistio ay tumapos ng 14 points.