top of page
Search
Ronalyn Seminiano

Break na raw pero… James at Nadine, magkatabing kumakain sa Korean resto

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Spotted sa isang Korean restaurant sa Loyola Heights, Quezon City nu’ng March 3 ang ex-couple na sina Nadine Lustre at James Reid.

Makikita sa kumalat na piktyur na tila nagkukuwentuhan sina James at Nadine.

Nakatingin si James sa kanyang ex(?)-GF at halatang may iba pa silang kasama, pero magkatabi silang dalawa.

Komento tuloy ng mga netizens: “OMG, totoo ba? Sana love-love lang sila at wala nang hiwalayan!”

Reply naman ng iba pang netizens, “Oo nga, puwede namang gumawa ng project na hindi saktan ang mga fans at pahirapan ang JaDine, ‘di ba?”

“Si Viva po ang may kasalanan, ‘di ang ABS-CBN. Remember, may restriction na sa #JaDine. If walang permit ni Viva, no JaDine projects at wala pong magagawa ang ABS-CBN doon. Sana maayos na ni Nadine ang problem n’ya sa Viva para everything will be okay na.”

We all know naman na nagkaroon ng issue si Nadine at ang Viva kamakailan kung saan diumano’y gusto nang umalis ng magandang aktres sa poder ng nasabing artist agency.

Samantala, sa latest Instagram post ni Nadine, makikitang suot niya ang black sleeveless na katulad ng nasa kumalat na piktyur nila ni James na may nakasulat na “Badblood.”

Tuloy, hindi maka-move on ang mga JaDine fans at patuloy na iniisip na may relasyon pa rin ang dalawa. Well, let’s see na lang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page