top of page
Search
  • Maeng Santos

9 yrs. old patay sa jeep


Isang batang babae ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang nakatatandang kapatid matapos masagasaan ng pampasaherong jeep habang tumatawid sa Caloocan City.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Mary Edlyn Navarro, 9, ng Tupda Village, Bgy. 8, samantalang, ginagamot naman sa naturang pagamutan ang 11-anyos na kanyang kapatid na babae.

Hawak na ng mga pulis ang driver ng pampasaherong jeep (PVV 921) na si John Forio, 32, na nahaharap sa kaukulang kaso. Sa imbestigasyon ni PCpl. Job Zalun, ala-1:45 ng hapon, tumatawid sa kahabaan ng A. Mabini corner J. Ramos Sts., ang mga biktima nang mabangga ang mga ito ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Forio matapos magkaroon umano ng problema sa preno.

Bumagsak sa kalsada ang mga biktima hanggang sa magulungan pa ng kaliwang bahagi ng gulong ng sasakyan ang batang biktima na naging dahilan upang mabilis na isinugod ng Caloocan City Rescue Ambulance ang magkapatid sa Caloocan City Medical Center at kalaunan ay inilipat sa naturang pagamutan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page