
Kinumpirma ng PNP-HPG (Highway Patrol Group) na ang chopper na sinasakyan ni PNP Chief Archie Gamboa at pito pang pasahero ay bumagsak sa isang residential area sa Laguna Huwebes ng umaga. Pawang nasa mabuting lagay naman ang naturang PNP Chief at wala namang naiulat na nasawi sa nasabing insidente.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang PNP generals na sakay ng naturang chopper, kinilala ang mga ito na sina PNP comptrollership chief Major General Jovic Ramos at PNP intelligence director Major General Mariel Magaway sa naging pahayag ni acting PNP spokesperson Major General Bong Durana.