top of page
Search

Mahal ang bilihin? Read mo ito, momshie!.. Tips para maraming mabili sa grocery kahit konti ang budg

Jersey Sanchez

Sana all, parang bilihin na nagmamahal. Char! Aminin, sa lahat ng nagmamahal, bilihin ang pinakanakaiinis dahil kapag mahal ang bilihin, pakonti nang pakonti ang ating nabibili sa budget.

Kadalasang pinagkakagastusan natin ang pagkain dahil ito ay kabilang sa pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya, kaya naman, narito ang ilang tips para makatipid at mas maraming mabili sa ating grocery budget:

1. SUNDIN ANG GROCERY LIST. For sure, lahat tayo ay gumagamit ng grocery list, pero ang tanong, nasusunod ba ito? Kung planado na ang lahat ng bibilhin at iluluto mo sa buong linggo, mas madali nang mag-stick sa budget.

Gayundin, kapag may naka-sale na items, kung wala ito sa listahan, ‘wag mo itong bilhin.

2. IKUMPARA ANG PRESYO SA IBA’T IBANG TINDAHAN. Siguradong may paborito kayong grocery store dahil malapit ito sa inyo o konti ang tao, pero ang isa sa mga paraan para makatipid ay piliin ang grocery kung saan ka mas makakamura. Maglaan ng oras para mag-canvas sa iba pang pamilihan at ikumpara ang mga presyo nila at kapag nagawa mo ito, saka ka mamili kung saan ka mas makakamura. Medyo matrabaho o nakakapagod, pero pramis, worth it ito.

3. ‘WAG ISAMA SI BAGETS. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas ay hindi natin nasusunod ang ating grocery budget. ‘Yung tipong nakapila ka na lang sa counter, may pahabol pang snacks o candy si bagets. Agree? Well, kung gusto mo ng stress-free na pamimili at walang batang nagtatampo ‘pag hindi napagbigyan, mas mabuting ‘wag nang isama ang bagets sa iyong paggo-grocery.

4. PANATILIHING SIMPLE ANG MENU. Masarap sa pakiramdam na maghain ng masasarap na pagkain para sa pamilya, pero kung palagi natin itong gagawin, masakit sa bulsa. Well, hindi naman masamang kumain ng masasarap na pagkain, pero kung magiging creative at resourceful ka, tiyak na happy ang iyong pamilya, gayundin ang budget mo. He-he-he!

5. ALAMIN ANG PRUTAS NA PASOK SA PANAHON. Kapag in-season ang mga gulay at prutas, mas mura ito at malinamnam, gayundin, mas maraming pagpipiliang nagtitinda sa palengke.

6. MAMILI NG FRESH GOODS SA PALENGKE. Mas maraming may gustong mamili sa groceries dahil halos nandito na ang lahat ng dapat bilhin, pero para mas makatipid, mas mabuting mamili ng mga prutas, gulay, karne at isda sa palengke para makasiguradong sariwa at mas mura. Gayundin, sikaping makahanap ng suki para lalong makatipid dahil madalas na nagbibigay ng discount ang mga ito.

Mga mommie, dehins natin kailangang mabutasan ng bulsa para makapag-grocery shopping. Kailangan lang natin ng konting diskarte at tiyaga nang sa gayun ay hindi lang basta makatipid kundi makaipon din ng pera. Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page