top of page
Search

Factory worker, kayod-kalabaw na, lubog pa rin sa utang, uunlad kung mag-a-abroad

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. Ako po ay factory worker na sumusuweldo ng minimum, pero palagi kaming kinakapos dahil walang trabaho ang misis ko at nag-aalaga siya ng mga anak namin. Kahit nakakaraos kami, may mga utang kami at minsan, nang magkasakit ang bunso naming anak ay lalong nadagdagan ang mga utang namin.

2. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang itanong kung magiging maayos pa ang buhay namin o may pag-asa pa kaming umunlad kahit papaano?

3. Masipag naman kaming mag-asawa at mababait ang mga anak namin, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi kami umuunlad at may pag-asa pa ba kaming makaahon sa kahirapan at sa mga utang namin? Sana, mabigyan n’yo kami ng gabay o paraan kung paano uunlad ang aming pamilya. Kasagutan 1. Bukod sa pag-inom ng gamot na inireseta, sabi ng mga doktor, mas mabilis kang gagaling sa iyong karamdaman kung babaguhin mo ang iyong mga nakasanayan. Oo, ang isa pang paraan upang gumaling ang maysakit o makaiwas sa anumang uri ng karamdaman ay ang pagbabago ng lifestyle.

2. Paano ba binabago ang lifestyle upang lumusog? Halimbawa, sa halip na tumutok sa TV tuwing gabi ay matulog ka nang maaga. Pangalawa, ‘yung mga kinakain mo na masasarap, pero bawal naman sa iyong kalusugan ay ‘wag nang kainin. Halimbawa, maalat, maraming cholesterol, sugar at may mga flavoring at kung hindi mo maiwasan ay mas mainam na bawasan ang pagkain ng mga ito. Pangatlo, kung hindi ka regular na nag-eehersisyo ay dapat mag-exercise ka na. Pang-apat, kung marami kang alalahanin sa buhay, dapat bawasan mo na ‘yan at matuto kang magrelaks.

3. Kapag nagbago ka ng lifestyle, maaga ka nang gigising dahil maaga kang natulog sa gabi at dahil maaga kang nagising, makapag-e-exercise ka pa bago pumasok sa trabaho. Gayundin, kapag iniwasan mo nang kumain ng mga bawal at babawasan ang iyong stress, mas marami ka nang time na magrelaks. Maiiwasan mo ang pagkakaroon ng hindi inaasahang karamdaman at hahaba ang iyong buhay. Sa sandaling nagbago ka ng lifestyle, lalo kang magiging masaya, kaya ito ang mga dapat mong gawin para ikaw ay umunlad at yumaman, Enrico.

4. Una, ‘wag kang makuntento sa kakarampot na suweldo, ganundin si misis, hindi siya dapat makuntento na araw-araw na gumawa ng gawaing-bahay at mag-alaga ng inyong mga anak. Ang mga pang-araw-araw na gawaing alam mong hindi magpapaunlad ng inyong pamilya sa aspetong pangmateryal, dapat ay baguhin mo ang iyong nakasanayan at konsepto ng iyong isipan. Hindi ka dapat makuntento sa kakarampot na kinikita, kailangan mong magsikap at gumawa ng paraan. Mag-isip ka ng dagdag na mga gawain na mapagkakaperahan o magdadala sa iyo sa maunlad at masaganang buhay na may kaugnayan sa materyal na bagay.

5. Aminin mo man o hindi, nasa comfort zone ka, kahit ang totoo ay hindi naman komportable ang iyong buhay dahil tadtad kayo ng utang at wala kayong savings. Kaya kapag nagbago ka ng konsepto ng iyong isipan kasabay ng pagbabago ng lifestyle, makikita mo, mga lima hanggang pitong taon lang mula ngayon, mabilis na aangat patungo sa pag-unlad ang inyong kabuhayan hanggang sa makabayad kayo ng mga utang at magkaroon ng ipon.

6. Samantala, kapansin-pansing naunsiyaming gumuhit paitaas ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na isubsob mo man sa pagtatrabaho at pagsisipag ang iyong sarili, malabo kang makaahon sa hirap at umunlad. Sa halip, ang dapat gawin ay kailangang magbago ka ng diskarte, lugar o mismong buhay at ang pagbabagong nabanggit ay tulad ng nasabi na, bukod sa kasalukuyan mong trabaho, mag-isip ka ng iba pang pagkakakitaan habang si misis naman, bukod sa araw-araw na nag-aasikaso sa inyong mga anak at gawaing-bahay, kailangang makaisip din ng pagkakakitaan.

7. Sa ganitong mga paraan na nag-iba kayo ng lifestyle at nagpursige na kayong mag-isip at gumawa ng paraan para yumaman, darating ang eksaktong panahong may malaking pagbabagong magaganap sa inyong kabuhayan – uunlad kayo hanggang sa tuluy-tuloy nang yumaman. Mga Dapat Gawin 1. Sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng mungkahi sa itaas, isa sa mga pagbabagong maiisip mo, Enrico, ay ang pag-a-abroad. Sapagkat ang pangingibang-bansa ang ipinagagawang solusyon ng malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad upang magbago ang buhay at kapalaran ng inyong pamilya

2. Kapag nagpasya kang mag-apply sa ibayong-dagat, tiyak ang magaganap ngayong taon sa buwan ng Setyembre, sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan na magiging daan upang mabago ang inyong buhay. Mula sa pagiging hamak na mahirap, unti-unti kayong makakabayad sa mga pagkakautang hanggang sa tuluyan nang umunlad at umasenso ang inyong kabuhayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page