top of page
Search

Lollipop na nakabalot sa pakete ng condom, bad sa mga bata

Imee R. Marcos

Ano itong chika na nabalitaan natin a few days ago bago pa nag-celebrate ng Valentine’s Day ang ating mga friendship?

Meron daw ibinebentang lollipop na nakabalot sa foil ng condom? Ano ba ‘yan, bakit hindi man lang ako nakakita niyan?

Pero nakakaloka ‘yan, ha? Para namang yikes! Bakit ba tayo nalulusutan ng ganitong mga produkto? At sino ba ang dapat managot sa mga produktong nakalulusot sa merkado at posibleng mabili ng mga bagets?

Nang kumalat ang nasabing produkto, dali-dali namang binawi ito ng Food and Drug Administration (FDA) sa merkado, pero tanong ko, bakit nalusutan sila ng ganitong produkto na hindi naman pala ligtas lalo na sa ating mga bata?

Sino ba naman ang naglo-lollipop, eh, ‘di ba, ang mga bata? So, sila ang posibleng madale ng adulterated product na ito.

Kahit ang Department of Health (DOH) ay nagtataka kung bakit ito nakalabas sa merkado. Kahit sila, hindi raw sigurado kung paano ang naging handling sa naturang produkto bago inilabas sa merkado.

Bukod pa riyan, wala pala itong Certificate of Product Registration, eh, bakit nakalusot pa rin?

Naku, dapat sigurong bantayan ang manufacturer niyan at maging ang mga distributor at parusahan bago pa maulit uli. Hindi lang kalusugan ng mga bata ang nanganganib dito kundi ang pagkorup sa mga musmos nilang isip.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page