Magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng malawakang HIV testing sa lungsod bilang kampanya laban sa HIV-AIDS.
Ito ay makaraang ipag-utos kahapon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Manila Health Department (MHD) na magsagawa ng HIV (human immunodeficiency virus) sa bawat barangay sa lungsod bilang pagpapaigting ng kampanya kontra HIV.
Bukod sa kampanya laban sa HIV-AIDS, magsasagawa rin ng kampanya kontra teenage pregnancies.
“There will be a citywide, in all the 896 barangays, awareness and testing for HIV. We will go down to the barangays to conduct training, education and testing on HIV, for those who want to be tested,” ayon kay Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, sa kanyang mensahe sa meet-ing ng Manila Association of Public
Secondary Schools Administrators (MAPSSA) na ginanap sa Eulogio Rodriguez Vocational High School.
Nabatid na may 35-40 ang naitatalang bagong kaso ng HIV infection sa bansa, araw-araw.
Ayon kay Pangan, ang Maynila ay pangalawa sa may pinakamataas na
insidente ng HIV infection sa bansa habang nangunguna naman ang Quezon City.
Nasa edad 15-24 ang mga kabataan ang may pinakamataas na bilang ng HIV infection at araw-araw ay mayroong isa na nagpopositibo sa HIV infection sa Maynila.