top of page
Search

Palpitation, panunuyo ng bibig, sakit ng ulo, nerbiyos at high blood, masamang epekto ng slimming te

Shane Ludovice

Dear Doc. Shane, Magbabakasyon kami ng mga barkada ko next month kaya super-gusto kong mag-lose ng weight pero malakas akong kumain at sa totoo lang, gusto kong mag-gym pero wala akong time dahil sa aking trabaho. Sumubok ako ng slimming pills pero parang nagkaroon ako ng palpitation kaya itinigil ko. Okay kaya ‘yung mga slimming tea na ikino-commercial sa TV? - Glenda

Sagot Hindi ipinapayo ang pag-inom ng slimming tea o coffee, bangkok pills at iba pa dahil sa masamang side-effect nito sa katawan tulad ng palpitation, dry mouth, headache, nerbiyos (anxiety) at posible ring atakihin ka ng high blood.

Sadyang napakahirap magpapayat lalo na kung hindi ka talaga desidido sa pagbabawas ng timbang. Halimbawa, panay ang ehersisyo mo pero babawi ka rin sa pagkain pagkatapos mag-ehersisyo.

Bukod sa regular na ehersisyo, mainam din na kontrolin ang iyong pagkain. Makatutulong ang ilang tips na ito:

  • Huwag magpalipas-gutom dahil hindi ito makatutulong upang mapadali ang iyong pagpayat. Kumain pa rin pero dapat paunti-unti lamang. Siguraduhing kumain ng almusal lalo na kung maraming gagawin sa buong araw upang maiwasan ang maya’t mayang pagkain na sanhi kaya mas tumataba ang tao.

  • Kung dati ay dalawang tasa ang iyong kanin, gawing isa na lamang o kalahati lalo na kung diabetic.

  • Iwasan ang matatamis na pagkain tulad ng cake, chocolates, pastries at iba pang panghimagas.

  • Kung ikaw ay mahilig sa sitsirya o chips, iwasan din ito at huwag mag-stock sa iyong kuwarto o kusina para hindi ka maengganyong kumain.

  • Umiwas sa pag-inom ng mga fruit juice, iced tea, softdrinks at iba pang sweetened drinks dahil mataas ang calories ng mga ito. Mas makabubuti kung daragdagan na lamang ang pag-inom ng tubig.

  • Ugaliin ang pagkain ng prutas, lalo na ang saging, mansanas at peras.

Tandaan na kailangan nating mag-effort upang maging malusog ang ating katawan. Ang pagpapapayat o pagbabawas ng timbang ay nangangailangan ng disiplina sa sarili dahil tulad ng ibang bagay, hindi ito madaling makuha sa isang iglap lamang.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page