Isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon ang namatay matapos magbigti dahil sa hindi mabayarang utang sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si ‘Mark’, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si ‘Ailane’, habang nakabigti ng kumot ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Muzon.
Ayon kay Malabon Police Homicide Investigator P/MSgt. Julius Mabasa, bago ang insidente ay tinawagan ng biktima ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at sinabing nahihiya siya at napahiya sa mga tao na humahabol sa kanya dahil sa hindi niya mabayarang utang.
Gayunman, natagpuan ng tiyahin ng biktima ang listahan ng utang ng kanyang pamangkin at napag-alaman na mayroon lamang siyang utang na P1,000.