top of page
Search
Nitz Miralles

Fans at mga kapwa artista, nabulabog… Barbie, nag-post ng piktyur ng ultrasound

Nitz Miralles / Bida

Ginulat ni Barbie Forteza ang mga followers niya sa Instagram (IG) nang mag-post siya ng ultrasound result kung saan makikitang may baby. Kung hindi baba­sahin ang caption ni Barbie na: “Congra­tulations! Ramdam ko kung ga’no kasaya ang kapatid ko ngayon @amithatbad @benvierneza, so alam mo na, dear? Automatic Potterhead ka ha? Wala kang choice. I can’t wait to see you!!! I’m a certified Tita of Manila! NAKAKALOKA!!!,” iisiping siya ang preggy.

In fact, marami ang nag-react na akala nila, si Barbie ang buntis. Si Maricris Garcia nga, nag-comment na akala niya ay naunahan na siya ng magaling na ak­tres. Sobra ang tawa ni Barbie sa comment ni Maricris.

Sa nabasa naming comment, ngayon pa lang, kinukuha nang ninong ng sister ni Barbie ang BF ng aktres na si Jak Ro­berto. Siguradong kukunin ding ninang si Barbie ng kapatid niya para sa kanyang pamangkin kaya magiging magkumpare at magkumare na sila ni Jak bukod sa pa­­giging magdyowa.

Samantala, natutuwa ang mga viewers ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday dahil ipinakita ni Barbie ang versatility niya. Mapa-drama at comedy scene, nagagawa niya nang mahusay. Naaawa rin sa kanya ang mga viewers kapag ina­api siya ni Dina Bonnevie.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page