top of page
Search
Thea Janica Teh

Piolo Pascual, proud na naging sekyu sa Tate bago nag-artista

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ipinagmalaki ni BDO Remit brand Ambassador Piolo Pascual ang kanyang naging buhay bilang Overseas Filipino Worker (OFW). Kahit mahirap, aniya ang buhay niya abroad ay puno ng mahahalagang aral na tumulong sa kanyang magkaroon ng kalayaang pinansiyal.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, pansamantalang iniwan ni Piolo ang showbiz noong siya ay 19 taong gulang upang samahan ang kanyang ina at ibang kapatid sa California, USA. Doon ay pinagsabay niya ang dalawang trabaho — bilang staff ng ospital sa umaga at security guard naman sa downtown Los Angeles sa gabi. Nagtatrabaho siya nang halos 16 na oras kada araw para lang mapagkasya ang kinikita sa mga gastusin.

Dalawang taon mula nang pumuntang U.S., nagdesisyong umuwi si Piolo. Gusto niyang bigyan ng isa pang pagkakataon ang pag-arte. Kahit hindi nagtagal ang pagiging OFW niya, itinuturing ni Piolo na bahagi ng kanyang tagumpay ang mga aral na natutunan niya sa pamumuhay at pagtatrabaho abroad.

“Hindi ako magiging ako ngayon kundi dahil sa mga pinagdaanan kong hirap bilang OFW. Natutunan kong magsipag para matustusan ang mga pangangailangan ko at natutunan kong huwag gumastos nang higit sa mayroon ako. Kailangan talaga ng disiplina para maging praktikal at huwag bumili ng mga bagay na hindi kailangan,” sabi ni Piolo.

Higit pa roon, natutunan niyang bahagi ng pag-iingat sa pinaghirapang pera ay ang pagpili ng tamang remittance partner na nangangako hindi lamang ng ginhawa kundi seguridad din.

“Nasa U.S. na ang mommy ko habang lumalaki kami. Noong panahong ‘yun, hirap kaming makatanggap ng pera sa kanya para sa pag-aaral namin. Pumupunta pa kami sa ahensiya na nagtsa-charge ng kung anu-anong fees. Binago talaga ng BDO ang sistema ng remittance. Mas pinadali nito para sa mga Pilipinong nasa abroad ang pagpapadala ng pera sa mga mahal nila sa buhay,” aniya.

Bilang dating OFW, alam ni Piolo kung gaano kalaki ang isinasakripisyo ng mga kababayan natin abroad para lang makapagbigay sa kanilang pamilya sa Pilipinas kaya pinaaalalahanan niya ang mga ito laban sa pagtitiwala basta-basta sa mga remittance agencies lalo na sa mga nakikita lamang nila online.

“Inihahabilin ninyo ang pinaghirapan ninyong pera sa iba. Palaging piliin ‘yung mapagkakatiwalaan, may track record na at mahabang panahon nang ‘andiyan. Kaya naman sa BDO, nakatitiyak kang ang pera mo ay ligtas na maibibigay sa mga mahal mo,” dagdag pa nito.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page