![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_934f9d3bee894a44b6bd4e8ee8277ef3~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/5376bf_934f9d3bee894a44b6bd4e8ee8277ef3~mv2.jpg)
Photo: @johnlloydcruztm (left) / @maria.elena.adarna (right)
Dahil visible na uli si John Lloyd Cruz sa showbiz world at may pakonek-konek pa siya (like yours truly) sa mga songs na may kinalaman sa nakaraang pag-ibig tulad ng kantang Minsan na may lyrics that goes… “O, kaybilis maglaho ng kahapon…” of Eraserheads at Nosi Balasi or Sino Ba Sila na pinasikat ni Sampaguita, duda ng some people in the know ay patama song ‘yun sa ermat ng kanyang first-born na si Ellen Adarna na balitang dyiwalay na raw kay Lloydie.
Lately kasi, nali-link romantically si Ellen sa isang lalaking nakasama nito sa Madrid named Carlos Lemus at kayakap pa ang huli sa ipinakita nitong post sa kanyang Instagram account.
Well, kundi man madalas ay ikinokonek na lang sa kanta ng mga brokenhearted diyan ang kanilang naglahong pag-ibig, na parang ibon na kaybilis lumipad at lumanding sa ibang bubong, tsuk tusok!
Ewan nga lang kung nagkaroon na ng “closure” ang relasyong John Lloyd Cruz at Ellen Adarna lalo’t may anak sila.