top of page
Search
Shane Ludovice

Kulang sa nutrisyon, nagiging piki o sakang

Dear Doc. Shane, Napansin ko na deformed ang mga binti ng anak kong babae. Ang sabi ng kapatid ko ay “sakang” daw ang tawag sa ganu’n. Walang may ganu’n sa aming lahi kaya nagtataka ako kung bakit ganu’n ang kanyang mga binti? Ano ba ang dahilan ng pagiging sakang ng tao? – Wilma

Sagot Ang mga binti ang sumusuporta sa itaas na bahagi ng katawan kapag nakatayo ang tao. Kaya nararapat lamang na ang pares ng mga binti ay manatiling tuwid, matibay at malakas. Ngunit, sa kasamaang-palad, may mga pagkakataong ang mga buto sa mga binti ay kumukurba at nagkakaroon ng depormasyon dahil sa ilang kondisyon at pagkukulang sa nutrisyon. At ito ay nagreresulta sa pagiging piki (knock-knee) o sakang (bow-legged) ng mga binti.

  • Sakang (bow-leggedness) Ang pagiging sakang o genu varum sa terminong medikal ay ang kondisyon kung saan ang mga binti ay kumukurba palabas na tila pana (bow). Kadalasan, ito ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa mga binti. Sa kalaunan, ang buto ay bumabaluktot at humahantong sa pagiging sakang.

  • Piki (knock-knee) Ang pagiging piki o genu valgum sa terminong medikal ay ang kondisyon naman na tumutukoy sa pagbaluktot ng mga binti paloob at kadalasang nagdidikit ang mga tuhod. Ito rin ay dulot ng karamdaman o kakulangan ng nutrisyon sa katawan na pumipigil sa pagtigas ng mga buto sa binti.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page