![](https://static.wixstatic.com/media/5376bf_933f6734fb574d18a42ae913609aa57c~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/5376bf_933f6734fb574d18a42ae913609aa57c~mv2.jpg)
Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil nito ng buwis sa buong lalawigan ng Batangas sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Batay ito sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 7-2020 ni Internal Revenue Commissioner Caesar R. Dulay.
Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang Batangas at mayorya ng mga bayan at lungsod nito ay apektado.
May deadline na hinahabol ngayong Enero para sa paghahain at pagbabayad ng income tax return sa BIR.
Tiniyak pa ng BIR na hindi sila maniningil ng anumang dagdag na multa dahil sa late filing o late payments sa dalawang regional offices nito sa lalawigan.
Para sa kasalukuyang taon, target ng BIR na makakolekta ng P11.2 bilyon mula sa tanggapan nito sa East Batangas habang P6.5 bilyon mula sa West Batangas.