top of page
Search
Twincle Esquierdo

Kilalanin: Ang iba’t ibang Diyos ng mga Aeta


Alam natin na ang mga Aeta ay may kayumangging kulay, kulot ang buhok at pango ang ilong at ang kanilang pananamit ay kakaiba tulad ng pagsusuot ng bahag ng kalalakihan. Ngayon, alamin natin ang kanilang kultura at mga paraan kung paano sila nabubuhay.

Ang mga Aeta ay pinaniniwalaang unang nanirahan sa Pilipinas at kumalat na sila sa iba’t ibang lalawigan. “Ita” ang tawag sa kanila noong panahon ng mga Espanyol habang Pugot o Pogot naman sa hilagang Luzon ng mga taga-Ilokano.

Sinasabi na iisa lang ang kinikilala nilang Diyos, ngunit, makikita ang pagkakaroon nila ng iba’t ibang gawaing ispiritwal.

Kinikilala nila na may mga espiritu ang maraming bagay lalo na sa kanilang kapaligiran tulad ng ilog, dagat, langit, burol, lambak at Bundok Apo.

Ang mga kinikilala nilang Diyos ay ang Tigbalog na pinanggagalingan ng buhay at lakas, Lueve na nangangalaga sa yaman at ani, Amas na gumagabay sa mga Aeta sa pag-iibigan, pagkakaisa at kapayapaan, Binangewan na responsable naman sa pagbabago, pagkakasakit at kamatayan, Kedes, ang

Diyos sa pangangaso, Pawi sa kagubatan at Sedsed, ang Diyos ng dagat.

Gayunman, para mabuhay, sa kalikasan sila umaasa at kumukuha ng mga pagkain kaya naman bago at pagkatapos nilang kumuha ng pagkain, sumasayaw sila bilang ritwal sa paghingi at pagpapasalamat sa kanilang nakuhang pagkain.

Ang kanilang pagsasayaw bago humiling ng pagkain ay magsisilbing dasal at pagkatapos makahuli ng pagkain tulad ng baboy o yamandagat tulad ng isda, kailangan ulit nilang sumayaw para magpasalamat.

Samantala, magagaling silang manahi ng mga damit kung saan gawain ng mga babae ang magwi-winnow ng bigas at ang mga lalaki ay gumagawa ng armlets o palamuti sa kanilang braso.

Gumagawa sila ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng mga bato, ngunit, ang batong ito ay hindi ordinaryo dahil galing pa ito sa bulkan at kulay pula.

Ang kanilang pananamit naman ay simple lamang. Para sa mga babae, sila ay nagsusuot ng telang ibinalot sa palda. Ang mga may edad na babae ay nagsusuot ng telang aw-aw, ngunit, may naka-attach na isang string sa paligid ng baywang.

Samantala, ang mga lalaki naman, pang-ibaba lang ang kanilang suot kung saan ang maselang bahagi lamang ang kanilang tinatakpan, ngunit ngayon, sila ay nagdadamit na rin ng pang-itaas.

May dalawang instrumento silang ginagamit sa pagtugtog at ito ay ang “Gulo-gulo” at “Sabkal”.

Ang Sabkal ay tinutugtog ng kahit sinong katutubo, lalaki man o babae, samantalang, ang Gulo-gulo ay tinutugtog lamang ng kababaihan. At ang pagpipingas ng ngipin ay isinasagawa bilang palamuti sa katawan.

Ngayon, alam na natin ang ilang mga kultura at ritwal ng mga Aeta at lubos na nakamamangha ang paraan kung paano sila nabubuhay dahil kinukuha nila ang kanilang mga pagkain sa likas na yaman at wala silang mga okasyon tulad ng kaarawan, Pasko at Bagong Taon.

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page