top of page
Search

Makati at mabahong discharge sa ari ng babae, sintomas ng impeksiyon

Shane Ludovice

Dear Doc. Shane, Ilang araw ko nang napapansin na parang may lumalabas na likido o discharge sa aking ari. Makati ito at may mabahong amoy. Kapag nagtatalik kami ng mister ko ay medyo sumasakit ito kaya worried ako na baka ito ay vaginal infection. Ano ang dapat gawin para mawala ito? - Aiza

Sagot Ang vaginitis ay karaniwang dulot ng mga organismong candida, gardnerella at trichomonas. Sa ibinigay mong sintomas tulad ng pangangati ng puwerta at may mabahong amoy, ang organismong trichomonas ang may dulot ng iyong impeksiyon.

Ang trichomoniasis ay maituturing na venereal disease (VD) na nakukuha sa apektadong sexual partner. Ang puwerta ay karaniwang mapula at makating-makati, may lumalabas na discharge na madalas ay may mabahong amoy at kulay greenish-yellowish-gray.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng vaginitis: • Pangangati ng puwerta • May discharge na lumalabas sa puwerta • Mabaho o may amoy ang discharge • Mahapdi o iritado ang puwerta • Masakit na pakikipagtalik

Kinakailangang ma-examine sa laboratoryo ang iyong vaginal discharge para makatiyak kung ito ay trichomonas nang sa gayun ay mabigyan ka ng tamang gamot para rito.

Tandaan na mahalagang magamot ang magka-partner, hindi lamang ikaw.

Makatutulong ang pag-inom ng metronidazole sa loob ng 7 araw at para sa mas mabilis na gamutan, puwede ring padaanin sa ugat ang metronidazole pero ang gamot na ito ay nangangailangan ng reseta ng doktor kaya kung nais gumaling, huwag mag-self-medicate.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page