Ibinabala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mataas pa ring antas ng lason sa mga shellfish sa anim na lugar sa bansa.
Batay sa ipinalabas na BFAR Shellfish Bulletin, nagpositibo sa red tide toxins ang baybayin sa Bataan kabilang ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal; Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; coastal waters ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango.
Kailangan lamang na tiyaking bagong hango, nahugasan nang mabuti at inalis ang mga laman-loob bago iluto at kainin.