Aminado ang Phivolcs na medyo nahihirapan sila sa pagmo-monitor ngayon ng mga aktibidad ng bulkan matapos masira o matabunan ang kanilang mga instrumento na inilagay sa main crater.
Ang ilan sa mga iyan ay ‘yung mga instrumento na sumusukat sa pamamaga ng bulkan, dami ng gas at pati ‘yung tinatawag nilang seismometer at maging ‘yung IP camera ay napinsala rin.
Pahirap din aniya ang pagmo-monitor dahil sa makapal na volcanic ash.
Gayunman, sinabi ni Bornas na nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Seismic Network at sinusubok na mapalitan at ilipat sa mas ligtas na puwesto ang mga equipment at instrumento nito.