Bulgarific
Hello, Bulgarians! Pinangunahan kamakailan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama si Rep. Mikey Arroyo ang pagbubukas ng QWIK Motor Vehicle Inspection Service sa Bgy. Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga.
Ang QWIK Motor Vehicle Inspection Services ay nagbibigay ng serbisyong private road safety na awtorisado ng gobyerno sa programang PMVIC sa ilalim ng Land Transportation Office (LTO) ng Department of Transportation (DOTr). Nagsimula ang programang ito noong 2004 sa ilalim ng pamumuno nina GMA at dating DOTr Sec. Pantaleon Alvarez. Sa ngayon, lalo itong pinaganda dahil sa high-tech system para mas masiguro ang kaligtasan sa kalsada.
Layunin ng QWIK Motor Vehicle Inspection Service na iparating sa mga drivers ang guidelines at policies ng gobyerno pagdating sa kalsada. Bukod pa rito, ito rin ang leading automotive engineering services provider sa buong mundo.
“Kung ito ay isasama natin sa standard ng pipiliing makina at sensor sa Pilipinas, siguradong nasa mabuting kamay tayo at lalagpas pa sa hinihinging standard ng ating bansa,” bahagi ni Arroyo.
Kasama rin ni GMA sa event sina Angeles City Vice-Mayor Vicky Vega-Cabigting, City Councilor Joseph “PG” Ponce at Actia Automotive Sofienne Bendhia.
Ang QWIK PMVIC ay ang kauna-unahang pasilidad mula sa 138 centers na itatayo sa buong bansa na awtorisado ng LTO.
Ang ACTIA equipment ay dini-distribute sa bansa ng Optimum Enforcement Manufacturing Inc. sa pmvic.actia@optimumenforcement.co bilang technical partner ng QWIK PMVIC.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo