top of page
Search
MC

1st Inter-Brgy. 10-Ball sasargo na sa Kyusi


Inaasahang magpapakitang-gilas ang mga kinatawan mula sa 142 barangay sa anim na distrito ng lungsod ng Quezon sa maaksiyong sagupaan na inorganisa ni Isaac Belmonte, chairman ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP).

Isusulong ang kauna-unahang Joy Belmonte Inter - Barangay Amateur 10-Ball Open Billiard Tournament sa Q.C. mula Pebrero 3 hanggang 9, 2020 upang makakuha ng mga susunod na henerasyon ng Filipino cue artists sa bansa.

Bukod sa P100,000 cash prize at trophy para sa mananaig na cue artist, tatanggap din ng complete set ng billiard table at bola ang kinatawan nitong barangay bilang suporta sa kanilang sports program.

Pangungunahan ng alkalde rito ang opisyal na simula ng torneo, kung saan tatanggap din ng P50,000 cash at trophy ang 2nd placer; P25,000 cash at trophy ang 3rd placer; P25,000 cash sa 4th placer at consolation prizes sa top 32 na bilyarista.

Mula sa 142 na manlalaro, simultaneous double elimination ang gaganapin sa bawat distrito ng lungsod hanggang sa umabot sa 64 na manlalaro.

Isasalang sa knockout game ang lahat ng lulusot sa unang yugto ng eliminasyon papasok sa kampeonato.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page