Ipagbubunyi ng pinakamalaking sabungan sa buong mundo, Roligon Mega Cockpit ang ika-30 taon ng makasaysayang operasyon nito sa pamamagitan ng isang matinding pasabong mula Enero 30 hanggang Marso 26.
Ang Roligon 30th Anniversary 5-Cock Derby ay nagwawagayway ng garantisadong premyo na P4,000,000 para sa mababang entry fee na P11,000 at minimum bet na P5,500.
Handog ni Dennis Ligon sa pagtataguyod ng Thunderbird Platinum at Thunderbird Enertone , ang pasabong na ito ay may magkakahiwalay na 3-cock eliminations na gaganapin sa Enero 30; Pebrero 6, 13, 20 & 27 at Marso 5 & 12. Ang bawat araw ng eliminasyon ay may day champion’s prize na P100,000 na paghahatian ng lahat ng makaka-3 points.
Ang 2-cock pre-finals ay gaganapin sa Marso 19 na may nakatayang P200,000 na paghahatian ng lahat ng makakadalawang panalo. Kuwalipikadong lumahok lahat ng may iskor na 1, 1.5, 2 or 2.5 puntos mula sa eliminasyon.
Isang bagong Vortex 200 motorcycle ang ipaparapol para sa lahat ng kalahok.
Ang 2-cock finals para sa lahat ng 3 pointers ay gagawin sa Marso 26. Ang mga interesadong lumahok ay maaring tawagan si Shirly (0920-9509090).
Ang lahat ng kalahok na magpapasok ng ikatlong entry basta ang kanyang entry name na gagamitin ay katulad ng sa kanyang una at ikalawang entry ay mabibigyan ng 50 percent discount sa entry fee para kanyang ikatlong entry. Bawal na ipasok ang mga binabae at kinulayan na mga mga tandang.