top of page

Pantay-pantay na karapatan ng bawat mag-aaral sa lahat ng sulok ng 'Pinas

  • Kuya Win Gatchalian
  • Dec 26, 2019
  • 3 min read

Ginugunita natin ngayong Disyembre ang Universal Declaration of Human Rights na pinagtibay ng United Nations. Sari-sari ang nilalaman nito ngunit, nais nating talakayin ang Article 26 tungkol sa edukasyon na mayroong tatlong punto:

1. Everyone has the right to education. Dapat lahat may ‘access’ sa edukasyon at malaking bagay kung libre na ito lalo na ‘yung mga nasa elementarya at nasa pangunahing yugto ng pag-aaral. Kailangang obligahin ang mga bata na nasa elementarya na pumasok sa paaralan.

2. Education shall be directed to the full development of the human personality. Kaakibat ng leksiyon na itinuturo sa loob ng eskuwelahan ay ang pagsasabuhay nito sa labas ng paaralan. Ilan sa mga halimbawa ay ang pagrespeto sa karapatang-pantao at pangunahing kalayaan; pagsulong ng pagkakaintindihan at pakikipagkaibigan sa lahat — saanmang kasaping grupo o organisasyon at anuman ang lahi o paniniwala. Kailangang nakaangkla ang mga ito sa prinsipyo ng United Nations na panatilihin ang kapayapaan.

3. Parents have a prior right to choose the kind of education that shall be given to their children. Ang edukasyon ay tunay na nagbubukas ng malawak na daan tungo sa kaalaman. Karapat-dapat lamang na gamitin at sulitin ng kabataang mag-aaral ang kanilang karapatan upang umunlad ang kanilang kaalaman, kasanayan at kakayahan nang libre, sa pamamagitan ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Ngunit kung minsan, ang karapatang ito ay naisasantabi.

Naniniwala tayo sa ibinahagi ni Malala Yousafzai, isang aktibista mula sa Pakistan na nagsusulong ng edukasyon para sa lahat na “one child, one teacher, one book, one pen can change the world.” Sa tulong ng kurikulum at guro, nagkakaroon ito ng makabuluhang epekto sa magandang kinabukasan ng mismong mag-aaral hanggang sa kaunlaran ng lipunan, bansa at buong mundo.

May isang paraan na pinauunlad ng Department of Education (DepEd) upang maging pantay-pantay ang pagpapairal ng karapatan sa edukasyon. Ito ay ang Last Mile Schools Program.

Ang nasabing programa ay isa lamang sa mga inisyatibo ng DepEd na naglalayong pangalagaan ang mga mag-aaral na nasa Geographically Isolated, Disadvantaged and Conflict-Affected (GIDCA) na lugar at siguraduhing nabibigyan sila ng patas at parehong ‘access’ sa de-kalidad na edukasyon tulad din ng ibang mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 59, s. 2019 na pinamagatang “Prioritizing the Development of the Last Mile Schools in 2020-2021: Reaching Out and Closing the Gap,” sanib-puwersa nating ipatutupad ang capacity building tulad ng pagtatalaga ng dagdag na mga guro, tauhan, laboratory, kasangkapan, school supplies, internet connectivity at marami pang iba.

Matutulungan ng naturang programa ang kakulangan sa silid-aralan. Ngayon, mayroong apat lamang na klasrum at mas mababa sa lima ang mga guro. Bukod dito, walang kuryente, maayos na lugar at pondo na pampagawa ng mga sirang pasilidad, maging ng mga bagong proyekto.

Sa abot ng makakaya, pinagsisikapan ng ating gobyerno na maibahagi ang mataas na kalidad at abot-kamay na edukasyon para sa lahat — kabilang ang mga estudyante na naninirahan at nag-aaral sa mga liblib na lugar sa buong bansa.

Kaya anuman ang mangyari, patuloy dapat isulong ang pagpapatupad ng mga polisiya para sa pagsasakatuparan ng layuning magkaroon ng de-kalidad na edukasyon ang kabataang mag-aaral na nasa probinsiya. Tandaan, ang edukasyon ay bukas para sa lahat.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page