top of page
Search
Shane M. Ludovice, M.D

Madalas mahilo, madaling hingalin at panghihina, mga senyales ng anemia

Dear Doc. Shane, Marami ang nakakapansin na palagi akong maputla at sinasabi nila na baka raw anemic ako. Maaari ba ninyong talakayin ang tungkol sa anemia?

— Pristine

Sagot

Ang kahulugan ng anemia ay kakulangan sa dugo, partikular sa mga pulang selula o red blood cells (RBC). Nangyayari ito kapag kapos ang supply ng oxygen sa mga tissue sa katawan.

Ang malusog na tao ay mayroong 6,000 milyong hemoglobin molecules o pulang dugo.

Ang anemia ay malalaman sa paraan ng complete blood cell count (CBC). Ang CBC ay parte ng routine general check-up at screening o base sa klinikal na sintomas ng pagkakaroon ng karamdamang ito. Ito ay paraan sa pagbibilang at pag-eksamin sa klase ng selula sa dugo.

Ang anemia ay kondisyon kung saan ang RBC o hemoglobin ay mas mababa kaysa normal na kailangan ng tao.

Sa mga lalaki na may anemia, ang hemoglobin nito ay mas mababa pa sa 13.5 gram/100ml (normal level: 13.8 – 18.0 g/dl); habang sa mga babae naman ay mas mababa pa sa 12.0 gram/100ml (normal level: 12.1 – 15.1 g/dl); sa mga bata ang normal level ay 11 – 16 gram/dl at sa mga buntis ang normal level ay 11 – 14 gram/dl.

Ang anemia ay nangyayari kapag ang dugo ay nauubos o mabilis na napipinsala at hindi agad ito napapalitan ng katawan. May mga pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon ng anemia. Ito ay maaaring dahil sa pagdurugo o pagsuka ng dugo (acute), pagkasira ng mga blood cells (haemolysis) at maaari ring may kakulangan sa produksiyon ng RBC (haematopoiesis).

Ang ating katawan ay nangangailangan ng Iron, Vitamin B12 at Folic Acid kaya kung may kakulangan ng isa o higit pa sa mga ito, posibleng magkaroon ng anemia.

Narito ang ilan sa mga dahilan nito: • Genetic (hereditary disease) tulad ng thalassaemia • Epekto ng gamot tulad ng antibiyotiko o anticoagulants • Buwanang regla o panganganak • Impeksiyon dahil sa hookw

orm, pagtatae, disinterya, malaria at septicaemia • Hormone disorder tulad ng hypothyroidism • Labis na pag-inom ng alak dahil pinipigilan nito ang pag-release ng folate mula sa atay Ang anemia ay maaaring pansamantala o pangmatagalan. Maaari rin itong senyales ng mas malubhang sakit tulad ng leukemia o kanser sa bituka. Ang taong may anemia ay hindi masyadong nakararanas ng sintomas. Lilitaw lamang ito kapag ang antas ng pula ng dugo ay bumaba sa 10 g/dl. Narito ang mga palatandaan: • maputlang balat • maputla ang loob ng talukap ng mga mata • maputlang gilagid • madaling hingalin o mapagod • madalas na pagkahilo o hinihimatay • mabilis na pagtibok ng puso • masakit na dibdib (angina), ulo at mga binti • panghihina at walang ganang kumain

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page