Tinatayang nasa 17,000 bikers ng motorcycle taxi service na Angkas ang pinangangambahang mawalan ng hanapbuhay makaraan umanong limitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng units na maaaring pumasada sa Metro Manila.
Ani George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, 10,000 lang sa kanilang 27,000 bikers ang papayagan ng LTFRB na pumasada.
Dagok umano ito sa mga rider na mawawalan ng trabaho lalo’t papalapit ang Pasko.
“Your everyday heroes in traffic will enter this Christmas season not knowing whether they will have money to feed their families next year.
Bakit kailangan bawasan at tanggalan ng trabaho ang mga biker natin? Bakit kailangan parusahan ang mga biker na nakapag-training at napatunayan na ang galing sa daan?” tanong ng kumpanya.